Binata pinagbabaril, patay

PATAY ang isang binata matapos pagtripang pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek habang naglalakad sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo at likod si Jayvin Flores, 26, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa eskinita sa Phase 1, Bagong Silang nang putukan ng mga suspek.

Nagtakbuhan ang grupo ng biktima subalit hinabol ng mga suspek at si Flores ang minalas na inabutan at pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa FEU ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply