Binata sinaniban, todas sa exorcism ng albularyo

TODAS ang isang binata sa ikinasang exorcism kaninang umaga matapos saniban ng masamang espiritu sa Isabela.

Hinihintay naman ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktimang si Rogelio Aquino, 19-anyos, residente ng San Fermin, Cauayan City para malaman ang dahilan ng tunay na pagkamatay nito.

Habang hinihintay naman ang resulta ng awtopsiya, pansamantalang pinipigil ng pulisya ang nagkasa ng exorcism sa biktima na si Cristobal Hernandez, isang kilalang albularyo mula sa Gaddanan, San Mateo, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camnp Crame, naganap ang insidente kaninang alas 6:30 ng umaga sa bahay ng suspect.

Bago ito, pinaniwalaang sinaniban ng masamang espiritu ang biktima at dahil hindi mapigil ang pagwawala at panlilisik ng mata ni Aquino kaya dinala ito ng kanyang pamilya kay Hernandez.

Sa pagnanais na mapalayas naman agad sa katawan ni Aquino ang masamang espiritung sumanib dito, sinuntok umano ni Hernandez sa tiyan ang biktima at sinakal ng panyo ang leeg nito.

Bukor pa roon, binuhusan din umano ng albularyo ng mainit na tubig ang katawan ng biktima hanggang sa mawalan ng malay at kinalaunan ay namatay.

Natuklasan ng pamilya Aquino sa kawani ng punerarya na maraming pasa sa katawan ang kanilang mahal sa buhay bukod pa sa paso rin sa katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply