Binata todas sa pamamaril sa Caloocan

PATAY ang isang binata nang malapitang barilin habang naglalakad pauwi sa kalye Milagrosa, Bagong Barrio, Caloocan City kaninang hating gabi.

Kinilala ang biktima na si Pete John Lanot y Coquillo, 18, ng 82-D Barangay 155 Bagong Barrio habang nakilala lamang sa alyas na “Cholo” ang suspek, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi, mag-isang naglalakad ang biktima nang biglang lumitaw mula sa madilim na bahagi ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ospital ang bitkima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng buhay.

Nakarekober ang mga awtoridad ng 2 empty shell ng kalibre 45 sa crime scene.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya habang isang manhunt operation naman ang inilatag ng awtoridad laban sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply