Binatang nakipagkulitan sa parak, natodas

PATAY ang isang binata matapos makipagkulitan sa lasing na pulis sa Lambunao, Iloilo, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, nakikipag-inuman si Ruben Puyo, 22, binata sa kanyang mga kaibigan kagabi sa loob ng food court sa public plaza ng nasabing bayan.

Nabatid na naroon din at umiinom ang suspek na si PO3 Artemio Sayam, 47, ng Brgy. Paho, Lambunao, nakatalaga sa Regional Service Group ng Police Regional Office 6.

Nang malasing ay kinulit na ng biktima ang noon ay lasing na rin na pulis dahilan para barilin siya ng huli.

Kaagad namang naaresto ang nakabaril na pulis at nakuha sa kanya ang service firearm na .9mm caliber pistol, 11 na bala at isang empty shell.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply