Binatilyo itinulak sa ilog, dedo

PATAY na nang lumutang sa Tullahan River sa Malabon ang isang binatilyo na sinasabing itinulak ng hindi pa kilalang lalaki habang nangangalakal sa nasabing ilog sa Valenzuela City kahapon (Setyembre 5).

Nakilala ang biktima na si Genario Rivera, 15, ng Barangay Ugong, Valenzuela City.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon, nangunguha ng maibebentang bagay ang biktima sa Tullahan River sa kanilang lugar nang itulak umano ng hindi pa kilalang lalaki.

Nahulog at lumubog sa ilog ang biktima hanggang lumutang kaninang umaga sa Tullahan River na sakop ng Potrero, Malabon City.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng tumulak sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply