Binatilyo na anak ng Romblon mayor ‘nag-suicide’

PINANINIWALAANG nagpatiwakal ang 16-anyos na anak ng mayor sa Romblon na natagpuan ang bangkay na may tama ng bala ng baril sa isang tulay sa naturang lalawigan.

Sa panayam sa radyo kaninang umaga, ayon kay Romblon police director Superintendent Nestor Quilinguen, wala silang nakikitang anomang foul play sa pagkamatay ni Pete Gerard Montojo, 16.

“Ayon sa investigation namin nag-commit ng suicide.”

Wala ring impormasyon na may kaaway ang biktima o may malaking problema kung saan tanging ang isang “suicide note” lamang na ipinadala umano nito sa isa niyang kaklase sa pamamagitan ng text.

“Paalam mahal kong classmates, maraming salamat sa inyo.”

Base pa sa pahayag ng mga saksi, huling nakita ang biktima malapit sa isang tulay sa Romblon at maya-maya’y nakarinig ng isang putok ng baril kaya tumawag sila ng pulis.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa tulay na may tama ng bala ng baril sa kanyang sentido habang ang baril na ginamit ay nasa tabi nito.

Nabatid pa na lisensiyado ang ginamit na baril ngunit hindi naman binanggit kung sino ang nagmamay-ari nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply