Binatilyo nalunod matapos iligtas ang 6 na barkada

RIZAL– Bagamat patay na, bayani pa ring maituturing ng kanyang anim na kaibigan ang 16 anyos na binatilyo na nalunod nang pulikatin matapos iligtas ang mga kaibigan kagabi sa bayan ng Binangonan.

Kinilala ni Binangonan chief ofPolice P/Chief Insp. Bart Marigondon ang nasawi na si Welfredo Bernardo, 16, anyos, residente ng Sitio San Antonio, Brgy. Tayuman, ng nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa Lawa ng Laguna sakop ng Sitio Sapa, Brgy. Mabuhay, Binangonan, Rizal.

Nabatid na sakay ng isang bangkang yari sa fiber glass ang magkakaibigan kabilang ang isang dalagita ng bigla itong tumaob na naging dahilan ng paglubog.

Nabatid na isa-isang sinagip ng biktima ang mga kaibigan na hindi marunong lumangoy at nang ligtas na ang mga ito ay biglang nakaramdam ng pulikat na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Inaalam na nang pulisya kung sino ang may ari ng bangka at kung mayroon itong pananagutan sa pagkalunod ng biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply