Binatilyo patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Cotabato

DEAD on the spot ang isang 17-anyos na high school student habang apat na iba pang mag-aaral ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa lungsod ng Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril bandang alas 4:00 kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Sausa street, Barangay Rosary Heights 1 ng nabanggit na lungsod.

Dagliang kamatayan ang inabot ng binatilyong si Mark Bandali matapos magtamo ng tama ng punglo sa likurang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga sugatang sina Nurhasa, Christopher, Aliman at Sadam,

Ayon sa panimulang imbestigasyon, patungong Rojas High School ang limang mag-aaral nang dalawang hindi pa nakikilalang suspek, na sakay ng motorsiklo, ang lumapit sa kanila at bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima.

Hinihinala ng mga imbestigador na posibleng away sa pagitan ng mga magkakalabang grupo at alitan sa babae ang motibo sa pamamaslang dahil dahil dalawa umano sa mga biktima ang may kaalitan na may kaugnayan sa isang babae.

Pansamantalang hindi kinilala ng PNP Cotabato ang mga suspek subalit may hawak na umano silang testigo at inihahanda na nila ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply