Binatilyo tiklo sa pagpupuslit ng marijuana sa piitan

ARESTADO ang isang 16-anyos na elementary student matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana na tangkang ipuslit habang dinadalaw ang kapatid na nakakulong sa Cagayan de Oro City nitong Setyembre 11, 2012.

Hindi muna pinangalanan ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang bata na nahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakatago sa kanyang wallet habang iniinspeksyon ng mga prison guard ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10).

Dadalawin sana ng binatilyo ang kapatid na isang alyas Saidee at dadalhan ng pagkain sa loob ng piitan sa PDEA RO10 custodial facility.

Ani Gutierrez,  batay sa kanilang talaan mula 2003 hanggang 2011, abot sa kabuuang 923 menor de edad, mula pito hanggang 17 taong gulang ang nahuhuli dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.

Karagdagan pa aniya dito ang may 74 na minors na nahuhuli ng mga awtoridad magmula lamang ng Enero hanggang Hulyo 2012, kung saan 37 o halos 50% sa mga ito ang nahulihan ng iligal na droga.

Nasa pangangalaga muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nahuling binatilyo bagamat menor ay pasok pa rin sa kasong kriminal sa ilalim ng RA 9344, o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kung mapatutunayan ng korte depende kung lumabag nga ito sa batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply