Binatilyong nalunod, lumutang sa Pasig River

POSIBLE umanong nauhaw sa paliligo sa ilog ang isang binatilyo nang mapagod ito sa paglalaro ng basketball na naging dahilan naman upang siya ay malunod at matagpuang nakalutang kahapon sa Pasig River sa Sta. Ana, Maynila .

Dalawang araw bago narekober ang bangkay ng biktimang si Mike Fernan Arago, ng 44-D San Bernardo, San Juan, Pasig City .

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, nakitang nakalutang ang bangkay ng biktima Pasig River sa tabi ng Sta Ana Ferry Station sa Sta Ana, Maynila.

Nauna dito, sakay ng Coast Guard boat habang nagsasagawa ng inspection si PO3 Hart Twingan ng napansin nito ang nakalutang na katawan ng isang tao at sa tulong ng mga kasamahan ay iniahon ito.

Positibo namang kinilala ni Fernando Arago, 47, truck driver at tatay ng biktima ang bangkay ng kanyang anak at ayon sa kanya, huli nilang nakitang buhay ang biktima habang naglalaro ng basketball dakong 2:30 ng hapon noong September 5.

Matapos umanong naglaro ng tatlong beses ay naligo ito sa Pasig River hanggang sa napansin na nalulunod.

Tinangka pang humingi ng saklolo ang isang Jayson Vilagra, kaibigan ng biktima subalit hindi na naisalba ang biktima at tuluyang nalunod.

Makalipas ang dalawang araw ay saka lamang lumutang at narekober ang bangkay ng biktima na inanod mula sa Pasig City at nakita ito sakop ng Maynila.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply