Binga Dam nagpapakawala pa rin ng tubig

PATULOY pa ring nagpapakawala ng tubig ang Binga Dam sa isang gate nito na nakabukas ng 3 sentimetro.

Ayon sa Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang water level sa dam kaninang umaga sa 571.89 meters, mas mababa sa 572.34 meters kahapon.

Ang normal high o spilling level ng dam ay nasa 575 meters

Ayon sa PAGASA ang pagbubukas ng isang gate ay bahagi ng paghahanda para hindi umapaw ang tubig na magdudulot ng pagbaha sa paligid ng dam.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply