Binga Dam patuloy na nagpapakawala ng tubig

NAKABUKAS pa rin ng kalahating metro ang gate ng Binga Dam makaraan mapanatili nito ang lebel ng tubig sa 572.34 meters.

Ayon sa Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), halos dalawang metro na ng tubig ang nabawas sa dam simula kahapon.

Batay sa monitoring kaninang umaga, nananatili sa 572.34 meters ang lebel ng tubig ng dam, at bahagyang mas mababa sa spilling level o normal high level na 575 meters

Kaugnay nito, nananatiling naka-alerto ang PAGASA dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply