BIR binalasa ni Henares

BAGO tumulak patungong Korea si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares, binalasa nito ang mahahalagang posisyon sa ahensya para umano makuha ang target tax collection goal na P1.006 trillion bago matapos ang taong 2012.

Kabilang sa mga binalasa sina Muntinlupa Revenue District Officer Sulpicio Sol Adapon, Paranaque Revenue District Officer Regina Dela Cruz, Makati Large Taxpayer Division Chief Edralin Silario, LT Regular Audit 1 Division Chief Cesar Escalada, LT Regular Audit 3 Division Chief Antonio Jaminola, LT Excise Audit 2 Division Chief Linda Grace Sagun, Cebu LTDO Chief Socorro Lozano, Collection Program Division Chief Roberto Taron, Collection Enforcement Division Chief Rosana San Vicente, Computer Operations Network and Engineering Division Chief Maria Olivia Bernardo, SMSD-ISDS Division Chief John Pagaragan, Security Management Division Chief Pinky Monsayac, FMD-ISOS Data Center Chief Leslie Matura, Information Planning Quality Service Chief Dennis Quiachon at SSD-ISOS Chief Warrren Penaverde.

Marami pa umanong mga revenue travel assignment orders ang inaasahan na ipalalabas si Henares matapos dumalo sa isang international tax seminar sa Korea.

Apektado sa inaasahang balasahan ang mga posisyon ng mga deputy commissioners, assistant commissioners, regional directors at mga revenue district officers para sa isang ‘regodon’ sa pagpapatuloy ng paglilinis sa katiwalian at pagpupursige na higit nitong mapataas ang tax collections at paghabol sa mga tax evaders.

Ipinagmalaki ng BIR lady commissioner ang ipinamalas na tax collection performance ng kanyang mga opisyal sa kabila ng pinsalang idinulot ng kalamidad na ‘Habagat’ kamakailan matapos maka-goal sa kanilang tax collections sina BIR Regional Directors Jonas Amora, ng Quezon City; Nestor Valeroso, ng Makati City; Simplicio Madulara, ng City of Manila; Tomas Rosales, ng Caloocan City at maging sina Metro Manila Revenue District Officers Baby Nacar, Ed Tolentino, Gel Bautista at Ramer Narvaez – pawang ng Quezon City; Chito Alberto at Dante Aninag, ng Pasig City, Iza Paulino, ng Mandaluyong; Albin Galanza, ng Caloocan City; Raul Recto, Gery Dumayas at Ric Espiritu, ng Makati City, Lorna Tobias, Pete Fernando at Tedy Huelva, ng Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply