BIR execs, under-fire sa lagayan

UNDER-fire ang mga key officials ng Bureau of Internal Revenue na idinawit sa nabunyag na umano’y ‘lagayan’ o pagtanggap ng ‘grease money’ sa mga tinaguriang ‘big-time taxpayers’ na inimbestigahan ng Large Taxpayers Service (LTS) matapos sumabog ang sinasabing katiwalian na labis ikinaligalig ng Malacanang.

Nagkalat ngayon sa main office ng BIR ang mga ‘poison-letters,’ ‘denounciation-letters’ at mga sulat-paninira sa mga naganap na kapalpakan sa tanggapan ng LTS kungsaan ibinubunyag ang diumano’y lantaran at garapalang pagtanggap ng ‘suhol’ mula sa mga taxpayers bilang ‘lagay’ o ‘grease money.’

Sinabi ng source na sanhi ng pagsabog ng katiwalian sa LTS, isang malawakang pagbalasa ang inihahanda ni BIR Commissioner Kim Henares para linisin ang nadungisang pangalan ng LTS, masibak ang mga sangkot dito at maisailalim sa ‘life-style check’ ang mga itinuturong kasangkot upang mabatid ang lalim ng yaman ng mga ito at malaman ang katotohanan kung sinu-sino ang gumamit sa kanilang puwesto para magka-pera o yumaman sa maikling panahon.

Sinabi ng source na labis umanong nairita si Commissioner Henares sa nabunyag na diumano’y patuloy na ‘lagayan’ o pagtanggap ng ‘grease money’ sa Large Taxpayer’s Service (regular) na nasa ilalim mismo ng kanyang pangangasiwa.

Ibinunyag ng source ang mga sumusunod na katiwalian na diumano’y kagagawan ng alyas “TMD” gaya ng umano’y pag-terminate sa mga tax cases sa LTS (Large Taxpater’s Service) sa bisa ng ‘lagay system’ o pagtanggap ng ‘grease money, umano’y pagtanggap ng ‘gifts’ sa taxpayers tulad ng mamahaling bags, ipads, ipone, imported watch at iba pang valuable bilang additional incentives o bahagi ng sinasabing ‘mandatory practice, umano’y pagtanggap ng ‘tips’ na katumbas ng halaga ng plane tickets para makapaglibot sa ibang bansa para makapag-shopping sa loob ng tatlong araw (Friday to Sunday) tuwing week-end o every month at umano’y paggamit sa pangalan mismo ni Commissioner Henares na sinasabing kasama sa ‘share’ kahi’t wala naman itong natatanggap na parte sa tinaguriang ‘lagayan.’

Iniutos na umano ng lady commissioner ang pagre-review sa mga tinapos na tax cases at pinamamanmanan na din ang sinasabing diumano’y mabilisang pagtatapos sa naiwang malalaking kaso sa LTS (regular) upang gawing ‘pabaon’ sa paglipat sa ibang puwesto ng sinasabing TMD.

Marami pang katiwaliang ibubunyag ang REMATE ukol sa umano’y naganap na katiwalian sa LTS, ayon mismo sa mga dokumentong nakalap mula sa mga mapagkakatiwalaang sources. Una nang tiniyak ng BIR chief na kanyang wawalisin ang mga ‘corrupt,’ ‘misfits’ at ‘undesirable’ revenue officials and men na siyang kalawang na sumisira sa imahe ng ‘daang-matuwid’ ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply