Bishop Cruz kay Roxas: Jueteng mayors sampolan

NANAWAGAN si retired Archbishop Oscar Cruz kay incoming DILG Secretary Mar Roxas II na sampolan ang mga alkalde na patuloy hinahanayaang mamayagpag ang jueteng sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Cruz, hindi dapat laging ibunton ang sisi sa pulis sa kahirapan sa pagsugpo sa jueteng.

“Hindi lang dapat ang mga pulis ang masasampolan kundi maging ang mga mayor. Kasi ang mga pulis hindi papayagan ang jueteng kung hindi papayagan ng alkalde,” pahayag ni Cruz.

Paliwanag ni Cruz, hindi uusbong ang jueteng sa isang lugar o bayan, kapag wala itong basbas ng alkalde o mga pinuno ng bayan.

Dagdag ni Cruz, malaking trabaho ang jueteng para kay Secretary Roxas, dahil kailangan may political will ito.

“Ang problema kasi sa mga ilang opisyal hinahayaan nila ang jueteng dahil kumikita sila (mayor),” ayon kay Cruz.

Reaksyon ito ni Cruz kaugnay sa nangyaring panibagong raid sa San Pascual, Batangas, kung saan nahuli ang isa sa dalawang kinikilalang lady gambling lords. Si Mayor Antonio Dimayuga ang kasalukuyang alkalde ng San Pascual, Batangas.

Sinalakay ng PNP Region 4-A ang iba’t ibang jueteng areas kabilang sa mga bayan ng Bauan, San Jose at San Juan na gumagamit ng Small Town Lottery ng PCSO bilang front ng jueteng.

Kumpirmadong naaresto sa pagsakalay ng inilunsad na magkasanib puwersa ng Regional Service and Intelligence Group at Police Intelligence Service and Operation Group ang hindi kukulanging sa 10 tao kabilang ang operator ng iligal na pasugalan na si Alyas “Nene.”

“Dapat mayroon rin na one strike policy sa mga alkalde pagdating sa jueteng,” pagtatapos ni Cruz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply