Bishop Cruz nagdadalawang-isip dumalo sa Senate inquiry

NAGDADALAWANG-ISIP si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kung dadalong muli sa isasagawang bagong senate inquiry hinggil sa jueteng.

Ito ang reaksiyon ni Cruz kasunod ng ulat na muli siyang iimbitahan sa isang Senate inquiry hinggil sa umano’y pagkakasangkot ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno sa jueteng.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Cruz na sakaling padalhan nga siya ng imbitasyon ay pag-iisipan pa niya kung dadalo nga siya sa pagdinig sa Senado o hindi na dahil ilang ulit na umano siyang nagtungo doon.

“I am still thinking about it in case I’ll be invited… But I hope I won’t be invited anymore because I’ve gone there several times already,” ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng (KBLJ).

“I have been in the Senate more than once as I have been in the House more than once so I don’t know if that were enough. If we can contribute anything new that’s what I don’t know yet,” aniya pa.

Sinabi ni Cruz na matagal na niyang naipagkaloob sa senado ang mga impormasyon na makatutulong sa kanila upang maipatigil ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Kung talaga, aniyang, ninais ng pamahalaan na ipatigil ang multi-milyong underground lottery, ay tiyak na makatutulong sa mga ito ang impormasyong kaniyang ibinigay dahil nakasaad dito ang mga umano’y jueteng operator sa bansa at ang mga public official na nakikinabang dito.

Noong nakaraang taon ay nagsagawa na rin ng Senate hearing sa jueteng at isinumite ni Cruz ang listahan ng mga pangalan ng mga public official na umano’y tumatanggap ng payola mula sa illegal na sugal.

Kabilang ang pangalan ni Puno, na isa sa mga umano’y matalik na kaibigan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, sa sinasabing tumatanggap daw ng buwanang jueteng payola.

“It’s all in their minutes and records. They already have all the documents including the list of jueteng lords and beneficiaries,” ayon pa sa arsobispo.

“Now if they would like to know what is the score then it’s enough for them to go over these resources. So far, the picture has not changed. It’s still the same as far as jueteng is concerned,” aniya pa.

Aminado naman si Cruz na posibleng mali sila, kaya nga, aniya, ibinigay nila sa senado ang listahan upang maipa-check ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply