Bishop Tagle hinirang na Synod Father ni Pope Pope Benedict XVI

HINIRANG ni Pope Benedict XVI si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle bilang isa sa “Synod Fathers” para sa nalalapit na assembly of bishops on the New Evangelization sa susunod na buwan.

Makakasama ni Tagle sa nasabing asembliya ang may 34 pang ibang mga cardinal, mga Obispo at mga kinatawan ng iba’t ibang religious orders at chrisms sa simbahan, sa pakikipagkita ng mga ito sa santo papa mula Oktubre 7 hanggang 28 sa Vatican.

Nangangahulugan lamang ito na bago pa man ang kanonisasyon ni soon-to-be second Filipino saint na si Blessed Pedro Calungsod sa Oktubre 21, ay nasa Vatican na si Tagle para sa bishops’ assembly.

Nabatid na dalawang obispong Asyano lamang ang nakasama sa grupo na binubuo ng 10 cardinals, isang patriarch, 11 archbishops, walong bishops at apat na pari.

Bukod kay Tagle, isa pa sa Asian prelate na hinirang na Synod Father ay si Mumbai Archbishop Oswald Gracias, secretary general ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC).

Ang 13th Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops ay may temang “The Evangelization for the Transmission of the Christian Faith.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply