Bishop Tirona itinalagang bagong Arsobispo ng Archdiocese of Caceres ni Pope Benedict XVI

MAYROON nang bagong Arsobispo ng Archdiocese  of  Caceres.

Ito ay matapos na italaga ni Pope Benidict XVI si Bishop Rolando Joven Tria Tirona, O.C.D. bilang bagong Archdiocese of Caceres kung saan papalitan naman niya si Archbishop Leonardo Z. Legazpi.

Ayon kay Rev. Fr. Louie Occiano, Caceres Communications Commision (CCOM) Director, si Bishop Tirona ay nagsilbi sa Territorial Prelature ng Infanta, Quezon mula noong June 28, 2003 hanggang Seyembre 8, 2012.

Nabatid din na si Bishop Tirona ay tubong Sampaloc, Maynila.

Inordenan naman siya noong Abril 21,1974 bilang isang pari.

Tumatayo rin itong kinatawan ng Southeast Luzon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) Permanent Council.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply