Bistek, 6 pa kinasuhan ng graft

NAGSAMPA ng kaso ang Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) sa Office of the Ombudsman laban kay Quezon City Mayor Herbert Bautista at pitong ibang pang opisyal ng lunsod dahil sa iligal na pate-takeover ng lokal na pamahalaan sa 7-ektarya ng lupa sa North Triangle.

Kabilang din sa charge sheet na isinampa ni MSBFI general manager Leonardo Ligeralde ay sina Officer in Charge (OIC) city treasurer Edgar Villanueva; real estate division chief Atty. Jason Labao; city administrator Victor Endriga; Quezon City Police District director Mario Dela Vega; DPOS chief Elmo San Diego; at National Housing Authority general manager Chito Cruz.

Kinasuhan sila ng graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inangkin ng Quezon City government ang lupa na nasa kanto ng Quezon Avenue at EDSA matapos hindi makapagbayad ang MSBFI ng buwis na halagang P59 milyon.

Gayunman, sinabi naman ng MSBFI management na sila ay exempted sa pagbayad ng buwis.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply