Bistekville hindi lang pang informal settler, puwede rin sa mabababa ang kita

HINDI lang mga informal settlers ang maaring mabiyayaan ng proyektong pabahay ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista na Bistekville kundi maging ang mga responsableng mahihirap o mga pamilyang mabababa lamang ang kita subalit kayang makapagbayad ng buwanang hulog.

Ito ang unang pagkakataon na may ganitong programang pabahay para sa mga mabababa ang kita buhat nang ilunsad ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ang Barrio Obrero bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Layon noon ng Barrio Obrero na makapagtayo ng mga komunidad sa pabahay para sa mga responsableng mahihirap lalo na ang mga residenteng manggagawa na karapat-dapat na mabigyan ng mailap na oportunidad na magkaroon ng abot-kayang matitirhan.

Tinagurian ng QC Hall na responsableng mahihirap ang nasabing sektor sapagkat tinanggap nila ang kanilang obligasyon bilang benepisaryo na nararapat nilang kumpletuhin ang kanilang buwanang hulog bago sila kilalaning may-ari ng bahay na ipagkakaloob sa kanila.

Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa paggampan sa kanilang tungkulin na magtayo ng mga komunidad sa pabahay upang matulungan ang mahihirap na makapagmay-ari ng sarili nilang tirahan.

Kinakailangan nga lang na makumpleto ng mga responsableng mahihirap na ito ang requirements na kakailanganin bago sila mapagkalooban ng bahay sa Bistekville, kasama na rito ang sertipikasyon sa pagtatrabaho at sweldo, kahuli-hulihang tala ng sahod, sertipikasyon ng kapanganakan ng mag-asawa, gayundin ang sertipikasyon ng pagpapakasal, at pormularyo ng kahilingan mula sa QC Urban Poor Affairs Office (UPAO) at PAGIBIG Housing Loan Application.

Bukas din ang proyekto para sa mga miyembro ng PAGIBIG na may buwanang kita na P13,000. Mas madali umano sa mga miyembro ng PAG-IBIG na makakuha ng bahay sapagkat maaari silang humiling ng pautang sa pabahay.

“A regular row house which has a 28- square meter lot area and 27 sq. meter floor area costs P400,000 for PAG-IBIG members,” sabi ni Josie Reyes, desk officer ng proyektong Bistekville ng UPAO at Quezon City Hall.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply