Bitak sa Koronadal Mountain Range, ikinabaha

MAS lalo pang hinigpitan ngayon ang ikinakasang monitoring sa Roxas Mountain Range sa Koronadal City matapos madiskubreng may bitak ang maraming bahagi ng kabundukan.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), delikado ang nadiskubreng bitak dahil posible itong magdulot ng landslide sa naturang lugar.

Dahil dito, nababahala ngayon ang mga residente sa Barangay Saravia dahil sa posibleng magka-landslide sa kanilang lugar.

Napag-alaman na naitala ang landslide sa tatlong purok sa Brgy. Saravia na kinabibilangan ng Dump Site, Camp Mariano at Sampaguita na umabot sa 15 pamilya ang naapektuhan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply