Biyahe ng PNR nagkaaberya

NAGKAABERYA ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) commuter trains bunsod ng pagbaha sa ilang bahagi ng riles.

Base sa isinagawang pahayag ni Paul De Quiros, tagapagsalita ng PNR,  hindi madaanan ang Magsaysay Avenue crossing malapit sa  Sta. Mesa, Maynila.

Naantala rin ang biyahe  mula Alabang patungo sa Tutuban dahil din sa baha sa riles.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang bumalik ang operasyon ng PNR makaraang humupa rin ang baha sa Magsaysay Ave. at España crossing.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply