BOC walang rekord ng importasyon ng baril sa Manila South Harbor

WALANG record ang Bureau of Customs na nagkaroon ng importasyon ng mahigit 28,000 baril sa Manila South Harbor noong Setyembre 4.

Ito ang kinumpirma ni BOC Commisisoner Ruffy Biazon kasunod ng pagkakabunyag sa umano’y shipment ng mga baril matapos nitong iberipika sa pamamagitan ng electronic mobile system record ng bureau.

Ayon kasi kay Agham Partylist Representative Angelo Palmones, na siyang nagbunyag sa nasabing shipment  na libu-libong mga baril ang pumasok sa bansa mula sa kompanyang Trust Trade at sa partner nitong Glock Asia Pacific.

Sinabi ni Biazon na ang Trust Trade ay posibleng hindi pa nakapagsumite ng entry of importation.

Gayunman, ipasusuri nila aniya ang mga “inward foreign manifest” sa Manila South Harbor para sa nasabing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply