Bodega nasunog sa Quezon City

AABOT sa milyong halaga ng iba’t ibang hardware materials ang nilamon ng apoy matapos masunog ang isang bodega sa Barangay Mariblu, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ni QC Fire Marshall Bobby Baruelo, nagsimula ang sunog dakong alas-7:41 ng umaga sa ikalawang palapag na gusali na inuupahan ng Drysdale Marketing na ginawang bodega ng kanilang mga panindang hardwares sa No, 15 Montemayor St., Brgy. Mariblu, Frisco, QC.

Tumagal nang dalawang oras ang sunog bago ganap na nakontrol ng Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Baruelo, nahirapan ang mga bumbero na mapasok ang loob ng gusali dahil sa mabilis na pagkalat  ng  apoy sa gusali.

Walang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply