Bodega sa Grace Park, Caloocan nasunog

FIRE under control na ang sunog na sumiklab sa bodega ng Reliance Commodities Incorporated sa Grace Park, Caloocan City na nagsimula pa kagabi.

Ayon sa Bureau of Frie Protection, patuloy ang pag-apula ng mga bumbero sa nasusunog na bodega na pagmamay-ari ng isang Joseph Tuazon.

Napag-alamang nakaimbak sa bodega ang mga ibinebentang fire brick o gamit sa paggawa ng pugon at panunaw ng bakal ng kumpanya.

Walang naiulat na nasugatan sa sunog na umabot sa ikatlong alarma, ngunit patuloy na inaalam ang sanhi nito, gayundin ang halaga ng pinsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply