Bodyguard ni Tac Padilla pinagbabaril, patay

TODAS ang isang driver body guard ng isang kilalang pambato sa international shooting competition matapos itong pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin habang nakikipaglamay sa patay kaninang madaling araw sa Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Ernesto Baybay y Sitoy, 41, may asawa, ng 112-C Perez St., Tonsuya sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm pistol sa kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin bitbit ang kanilang ginamit na baril habang isa sa salarin ang tumangay sa service na baril ng nasawi.

Ang biktima ay personal driver body guard ni international shooter at may ari ng Spring and Oil company na si Tac Padilla.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:30 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa isang burol sa tabi ng barangay hall ng Tonsuya.

Nabatid, nakaupo ang biktima malapit sa kanilang bahay ng biglang dumating ang tatlong suspek.

Sabay nagbunot ng mga baril ang mga salarin at agad pinaputukan ng malapitan ang biktima. Gayunpaman, tinangka pa ng biktima na manlaban ngunit duguan na itong humandusay sa lugar.

Tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay agad na dinala sa ospital ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan ito ng buhay.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Scence of Crime Operatives (SOCO) ng (11) labing isang basyo ng 9mm pistol at isang basyo ng kalibre 45 na ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo ng nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply