Bomb factory ng NPA nakubkob ng militar, 7 utas

ISANG bomb factory ng New Peoples Army ang nawasak ng militar matapos makubkob na nagresulta sa kamatayan  ng limang  miyembro ng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo ng Philippine Army sa Barangay San Isidro, Bulusan, Sorsogon.

Ayon kay Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng Philippine Army, nagsasagawa ng routine combat patrol operation ang mga kagawad ng 903rd Infantry Brigade nang madiskubre ang kampo ng mga rebelde na pinaniniwalaang gawaan ng mina at bomba.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok bago nagpasya ang mga rebelde na umatras matapos maramdamang nalagasan na sila unti-unti.

Nagpapatuloy na ang hot pursuit operation laban sa tinatayang 50 mga rebelde.

Ayon kay J. Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9th Infantry Division Philippine Army, bandang alas-10:00 kaninang umaga nang mangyari ang engkwentro sa Barangay San Isidro, Bulusan.

Alas-4:30 kahapon ay nakasagupa ng militar ang isang pangkat ng NPA sa lungsod ng Iriga na ikinamatay ng dalawang rebelde at ikinasugat naman ni Edgardo Sevilla,  finance officer NPA Provincial  executive committee  Albay.

Nasa maayos na ang kondisyon ngayon ng dalawa sa tatlong sundalong sugatan sa nangyaring engkwentro ng grupo ng 31st Infantry Batallion at tinatayang aabot sa 45 miyembro ng NPA.

Kinilala ang mga ito na sina Cpl Rolando Cruzado at Cpl Rodel Llandelar na dinala sa Sorsogon Doctor”s Hospital dahil sa mga sugat sa katawan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply