Borgy at Divine Lee pinagbubulungan sa fashion show

MAY nagsitsit sa amin na n’ung nakaraang Bench Universe, The Denim and Underwear Fashion Show na ginanap sa SM Mall of Asia Arena ay dalawang personalidad ang pinagbubulungan sa nasabing okasyon.

Una’y si Borgy Manotoc- bakit daw panay ang sali ng binata sa mga ganitong show gayong wala naman daw makita sa kanyang ‘future’. Para lang daw itong batang kumakandi-kandirit sa ibabaw ng entablado, ni wala nga raw halos pumapansin na sa kanya. Panahon na raw para maghinay-hinay siya sa pagsali sa mga ganitong event na nangangailangan ng ‘bukol’ exposure. Hehehe!

Samantalang si Divine Lee naman habang nagko-cover nang mga kaganapan, halos magkandahaba raw ang audience sa gallery sa kanilang tsismisan habang inginunguso ang baguhang TV host. Ang kapal daw ng facelak nitong magpakita sa otaw ng buong ningning habang ang tatay naman nito ay nagtatago sa mga otoridad dahil sa panlolokong ginawa nito sa mga bumili ng bahay sa Globe Asiatique.

Well, ang kasalan ni Pedro ay hindi kasalan ni Juan. Kawawa naman si Divine.

Sana magkaroon siya ng divine mercy para malampasan ang mga pagsubok na ito sa buhay nya. Amen!

***

Ilang Kapuso stars makikisaya sa Peñafrancia Festival ngayong Linggo!
 
MATAPOS ang matagumpay na launch ng GMA TV Bicol noong nakaraang buwan, muli na namang makikisaya ang ilang Kapuso stars sa Bicol upang makibahagi sa selebrasyon ng Peñafrancia Festival.

Ngayong Linggo, September 16, magbibigay saya at tuwa sa Kapusong Bicolanos ang mga bida ng upcoming primetime show na Coffee Prince – Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Benjamin Alves – kasama sina Mark Herras (Luna Blanca), Chariz Solomon (IBilib), at Rocco Nacino, leading man ng upcoming afternoon prime program na Yesterday’s Bride.

Kapana-panabik na mga production number at iba pang mga sorpresa ang naghihintay sa mga Kapusong Bicolano. Magsisimula ang kasiyahan sa Camaligan People’s Center, Camarines Sur para sa Kapuso Barangayan (9AM) at susundan ng Kapuso Night sa SM City Naga Event Center (4PM).

Nagsimula ang selebrasyon ng Kapuso Peñafrancia Festival noong Huwebes,  September 13. Pinangunahan ng cast ng Sana Ay Ikaw Na Nga na sina Gabby Eigenmann, Ynna Asistio, Marky Lopez, Jace Flores, at ng tambalang Mikael Daez at Andrea Torres ang Kapuso float sa Civic Parade and Kapuso Barangayan sa Calabanga People’s Center, Camarines Sur.

Ang iba pang kasiyahan at highlights ng Peñafrancia Festival ay  mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special sa October 7 sa pamamagitan ng GMA Network regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.

***

Vice Gov. Daniel Fernando nakahandang tulungan si Philip

IPINALIWANAG ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na hindi siya galit kay Philip Salvador, nagtampo lamang siya dahil hindi siya sinabihan na gusto palang maglingkod nito sa kanilang probinsiya. Kung nagparamdam man lang daw sana ito sa kanila ni Gov. Willy Alvarado ay tutulungan pa nila si Kuya Ipe sa hangarin nitong makapaglingkod sa kanilang lalawigan. Sina Daniel at Philip ay iisa ang naging mentor sa showbiz at parehong produkto ni Director Lino Brocka.

***

Personal:

Salamat sa mababait na miyembro at opisyales ng Pejodap lalo na sa tresurero nilang si Denden sa pag-assist sa amin nang tumirik ang dala-dala naming sasakyan sa kahabaan ng Espana. Ang grupo ni Denden ay bumibiyahe ng Balic-Balic-Espana and vice versa.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.     

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply