‘Boy relos’ na pulis, inireklamo ng ex-con

ISA na namang pulis-Maynila na binansagang ‘Boy relos’ ang nahaharap sa reklamong robbery matapos ireklamo ng isang ex-convict na nagsusumikap na magbagong buhay dahil sa pangongotong sa kanya tuwing makikita sa Mabini, Maynila.

Nabatid sa reklamo sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ni Fernan Cultura, 40, residente ng 1038 Alhambra St. Ermita, Maynila, pinakahuling insidente ng pangongotong ay nangyari noong Setyembre 20 ng alas 6:30 ng hapon.

Ayon kay SPO1 John Cayetano at SPO2 James Poso, kapwa imbestigador ng mga kasong isinampa laban sa suspek na si PO2 Rolando Castillo Amar, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), una umanong insidente ng pangongotong ng pulis kay Cultura ay nangyari noong Setyembre 18, dakong alas 2:30 ng hapon kung saan nang makita nito ang dalang Tissot watch na nagkakahalaga ng P1,000 ang biktima ay kinuha ng pulis.

Nabatid na dating nakulong ang biktima at ngayon ay nagtitinda ng relos kung saan tuwing magkikita sila ng pulis ay lagi siyang kinakapkapan at kinukuha ang pera ng biktima.

Kamakalawa ay muling nagkita ang suspek at biktima sa panulukan ng Arquiza at Mabinis Sts., Maynila at muling tinawag at kinapkapan at doon nito nakita ang isang divers Seiko watch na nagkakahalaga ng P8,000 at kinuhang muli sa biktima.

Ayon kay Cayetano, nagmakaawa umano ang biktima sa pulis dahil hindi sa kanya ang relos kundi pinasasanla lang ng kapatid na may sakit na anak.

Sa puntong iyong hindi na nakatiis si Cultura sa ginagawa ng pulis kaya ipinasiya na niyang magtungo sa MPD-GAS para magreklamo.

Bukod sa pangongotong lagi umanong pinatitikim ng suntok ng suspek ang biktima tuwing makikita bago nito paalisin.

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery ang pulis sa Manila Prosecutors Office(MPO).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply