Brgy. administrator sa Caloocan City binaril

MALUBHA ang lagay ng isang barangay opisyal matapos itong barilin ng malapitan ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad sa A. Mabini St., Maypajo, Caloocan City.

Inoobserbahan sa Chinese General Hospital si Alvin Juliano, 25, barangay administrator ng 108 Guido 2, Maypajo sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tumakas ang suspek bitbit ang ginamit nitong baril.

Base sa imbestigasyon ni P02 Randy Dela Roma ng Stataion Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong alas 11:oo ng umaga ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid na naglalakad ang biktima mula sa kanilang barangay ng biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabi na nagbunot ng baril at pinaputakan sa dibdib ang biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at inalaam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply