Brgy councilor nilikida sa Batangas City

HABANG papalapit and mid-term elections ay patuloy na kumukulo ang political condition sa mga lalawigan gaya ng naganap na paglikida sa isang barangay councilor matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang
suspek sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng mga kagawad ng PNP-SOCO ang biktimang si Enrico Andal, 42-anyos, isang negosyante.

Lumalabas sa pagsisiyasat na sakay ng motorsiklo ang biktima nang dikitan ito ng mga asalarin at pagbabarilin.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan si Andal ngunit idineklara na rin itong dead on arrival.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang habang patuloy ang hot pursuit operation sa mga nakatakas na suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply