Brgy. Ginebra sasalang agad

WALA pang opisyal na iskedyul subalit matunog na ang Barangay Ginebra Kings ang mapapanood sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup sa September 30 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Magiging maganda ang bungad ng bentahan ng tickets sa opening day kapag naging opisyal ang banggaang Kings at Global Port Batang Pier dahil pinakamalakas humatak ng crowd ang una.

Inaasahan ang magarbong opening ceremonies na pangungunahan nina commissioner Chito Salud at 38th season chairman Robert Non.

May 10 teams na hahatiin sa dalawang grupo kung saan ay maglalaban ng dalawang beses ang magka-bracket habang isang beses sa kabilang grupo.

Sasampa sa quarterfinals ang top eight teams, makakaharap ng No. 1 ang No. 8, No. 2 vs No. 7, No. 3 kontra No. 6 at No. 4 kaharap ang No. 5.

Ipaparada rin ng mga teams ang kanilang mga muse.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply