Brgy. Kagawad, marine, timbog sa buy-bust ng PDEA

ARESTADO ang isang barangay kagawad at kasamahan nito at isang dating miyembro ng Philipine Marine matapos silang mahulihan ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa isinagawang buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na lugar noong September 16, 2012.

Kinilala ni Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., PDEA Director General ang nahuling si Allan Salaver, 32 anyos, aktibong barangay kagawad at residente ng Maboot Street, Vilmar Homes Subdivision, Barangay Calauag, Naga City; at Kristoffer Palomares, 33 anyos , alias Bornok, ng No. 55 San Roque, Calabanga, Camarines Sur na kapwa kabilang sa watch list ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5).

Nakuha sa dalawa ang isang sachet ng shabu at P500 marked money na ginamit sa operasyon sa isang Apartment A4, Happy Side Homes, sa Barangay Balatas, Naga City, ng mga elemento ng PDEA Camarines Sur Provincial Office, sa pangunguna ni Director Archie Grande; at Naga City Police.

Ayon kay Gutierrez, si Salaver na isang barangay kagawad ay itinalagang Committee Chairman ng Barangay Peace and Order sa Barangay Calauag, Naga City.

Samantala, nahulihan naman ng may 21 sachet ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga elemento ng PDEA Regional 2 sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin si Jenrette Velasco, 32 anyos, dating miyembro ng Philipine Marines at residente sa Brgy. Centro, North East Solana, Cagayan.

Nakuha rin sa pag-iingat ni Velasco ang halagang P2,000 marked money na ginamit sa operasyon kapalit ng 2 sachet ng shabu.

Sa pagrerekisa sa suspek nakuhanan pa ito ng may 19 sachet ng shabu at dalawang cellphones na ginagamit umano nito sa transaksiyon.

Ayon pa kay Gutierrez nagsimulang aniyang masangkot si Velasxo sa illegal drug activities matapos siyang ma AWOL bilang miyembro ng Philippine Marines at ang pagtutulak aniya ng shabu ang ikinabubuhay ngayon ni Velasco

Dahil dito, sina Salaver at Velasco ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply