Brgy. kagawad nakuryente, tigok

NAMATAY sa pagamutan ang isang barangay kagawad matapos itong makuryente sa inaayos na TV antenna sa Brgy. Damit, Bayog, Zamboanga del Sur.

Batay sa report ng Peace and Development Work Team ng Bravo Company ng 53rd Infantry Battalion, aksidenteng nakuryente ang Barangay Kagawad na kinilalang si Benjamin Sibayan.

Matapos matanggap ang tawag, agad namang rumesponde ang tropa sa pangunguna ni CPL Jason Veranda at dinala ang biktima sa Bayog Health Center ngunit agad na itong nabawian ng buhay.

Ayon kay Maj/Gen Ricardo Cruz III, Battalion Commander ng 1st Infantry Tabak Division, tinangkang sagipin ang buhay ng biktima ng tropa ng mga kasundaluhan at sa paglulunsad ng peace and security service pero hindi pinalad na mabuhay ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply