Brgy kagawad todas sa pamamaril

DAGLIANG kamatayan ang inabot ng isang barangay kagawad matapos barilin nang tatlong ulit ng mga hindi pa kilalang salarin sa loob mismo ng tahanan ng biktima sa  Brgy. Tamorong, Candon City.

Sa ulat ng pulisya kahapon,  kinilala  ang biktima na si Efren Ragamat, 48 anyos at may asawa.

Sinasabing nanonood ng TV sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang barilin ng mga suspek .

Patay agad ang biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo bagama’t wala namang nakuhang basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Hanggang sa ngayon, puspusang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply