Brgy. Treasurer inambus, todas

DEAD on the spot ang isang Barangay treasurer makaraang hindi makaligtas sa pangalawang beses na pang-a-ambush sa kanya sa  may highway ng Purok Almasiga, Barangay San Rafael, Basilan kagabi.

Bandang alas-7:30 ng gabi nang tambangan si Ibrahim Sapalun Belleng,  baranagy treasurer ng Barangay Marang sa munisipyo ng Sumisip sa nasabing probinsya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng suspek kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na nagging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Tinangka na ring itumba ang biktima noong unang tambangan siya ng suspek ngunit mapalad na nakaligtas.

Sinasabing isang  isang civilian informant ng Special Forces at ng Philippine Army (PA) ang biktima.

Tinututukan ng pulisya ang motibong awayan sa pamilya o rido at maaari ring may koneksyon ito  sa politika sa munisipyo ng Sumisip.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng  hot pursuit operation ang PNP at militar laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply