British Parliament member, nasalisihan sa QC hotel

SINISIYASAT na ng pulisya ang hinggil sa nakawan na naganap sa isang Quezon City hotel na ang biktima ay isang miyembro ng Bristish Parliament, nitong nakaraang Biyernes.

Dahil dito, sinabi ni Quezon City Police District-Kamuning station 10 commander P/Supt. Marcelino Pedrozo na tatlong empleyado na ng Sulo Riviera Hotel, sa Matalino Steet, Barangay Central ang kanilang inimbitahan para tanungin.

Pero nilinaw naman agad ni Pedrozo na ang kanilang inimbitahan na sina Ghener Ilagan, Gerwin Corbeta at Noriel Pangantihon ay hindi ikinokonsiderang mga suspek bagkus ay tatanungin lamang kung may alam sila sa nangyari.

Ayon sa biktimang si Helen Grant, 50, nadiskubre niyang nawawala na ang kanyang itim na bag purse na may laman na 2 credit cards, 115 euros, at 20 British pounds nang bumalik na siya sa kanyang kuwarto nitong Biyernes ng hapon mula sa isang appointment sa labas.

Si Grant ay tumutuloy sa Room 12 ng naturang hotel at may ilang araw nang nasa Manila kasama ang ilan sa European lawmakers para sa isang study tour na inorganiza ng European Parliamentary Forum on Population and Development.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply