Bugaw arestado sa NBI sa Gensan

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bugaw na nag-aalok ng babae sa mga pulitiko  at negosyante sa General Santos City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at RA 7610 o protection against child abuse, exploitation and discrimination ang suspek na si Patrick Gatdula.

Ayon sa NBI, si Gatdula ay naaresto sa isinagawang entrapment operation ng NBI-Sargen Office matapos makatanggap ng reklamo ang ahensya hinggil sa iligal na aktibidades ng suspek.

Nasagip naman ang tatlong menor de edad at isang buntis na kasama sa mga ibinubugaw ng suspek.

Wala umanong piyansa ang kaso ng suspek kaya sa kulungan na bubunuin ang kanyang buhay.

Kaugnany nito, hindi naman tinukoy kung sinong mga politiko at negosyante ang binibigyan ng babae ni Gatdula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply