Buhawi nanalanta sa Tarlac; flashflood rumagasa sa Davao del Sur

NANALANTA ang buhawi sa Tarlac City at bumuhos ang malakas na ulan kasunod ng pagragasa ng flashflood sa Davao del Sur.

Base sa salaysay ng mga residente sa isang ulat sa radyo, bumuhos muna ang malakas na ulan sa lugar sa tatlong barangay sa Tarlac City na sinabayan pa ng malalakas na hangin na nagresulta ng pagbuwal ng mga puno, linya ng kuryente, at nawasak ang ilang kabahayan.

Sa Davao del Sur naman kamuntikan nang tangayin ng baha ang isang bahay sa bayan ng Santa Cruz.

Dahil dito, pansamantalang inilikas ang aabot sa 13 pamilya sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply