Buhawi nanalasa sa Quezon City: 50 pamilya nawalan ng tirahan

NAWALAN ng tahanan ang may 50 pamilya makaraang manalasa o magsalpukan ang dalawang buhawi sa Bagong Silangan sa  Quezon City.

Nagdulot ng kawalan ng kuryente ang naturang pangyayari habang nawasak ang mga bahay at nagtumbahan ang mga puno, poste sa naturang lugar.

Nabatid na pawang gawa sa light materials ang mga bahay, kaya madaling nasira ng buhawi.

Napag-alaman pang pinakamatinding nadale ang purok 5 na 45 na pamilya ang apektado habang dalawa namang pamilya ang naapektuhan sa Area 4 at sa Filinvest area.

Wala namang naitalang sugatan o namatay sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply