Buhawi nanalasa sa Zamboanga Sibugay, 1 sugatan

ISA ang sugatan habang nasira naman ang bubungan ng garahe ng presinto at palengke nang manalasa ang isang buhawi sa Zambonga Sibugay, ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) .

Isinugod sa isang local government hospital ang biktimang si Bebot Baricua, 45-anyos, sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Ayon sa NDRRMC, nanalasa ang buhawi dakong alas 3:30 a.m. nitong nakaraang Sabado sa Poblacion village sa Kabasalan town sa Zamboanga Sibugay.

Nasira naman ng buhawi ang Kabasalan Municipal Police Station garage, tatlong Kabasalan wet market roofs, at isang bodega ng Good Year village.

Sinabi ng NDRRMC na ang danyos sa ari-arian ay umabot ng P200,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply