Bukidnon inuga ng magnitude 5.6 na lindol

NAKAPAGTALA ng kambal na pagyanig kaninang madaling araw ang Bukidnon.

Batay sa ulat ng Phivolcs, magnitude 5.6 ang yumanig sa layong 16 kilometro sa Kanluran ng Maramag, Bukidnon, kaninang alas-3:44 ng madaling araw.

Makalipas ang halos dalawang oras, magnitude 4.9 ang tumama sa nasabing bayan.

Naramdaman naman ang Intensity V sa Musuan, Maramag, Bukidnon; Intensity III sa Cagayan de Oro City at sinundan pa ng Intensity II sa Cotabato City.

Nabatid sa ulat ng Phivolcs, pawang tectonic ang pinagmulan ng dalawang magkasunod na pagyanig sa Bukidnon at posibleng masundan pa ito ng mahihinang aftershocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply