Bulldogs sinagpang ang Green Archers

IPINAKITA ng host National U Bulldogs ang kanilang bangis ng iwasiwas nila ang De La Salle U Green Archers, 72-62 sa 75th UAAP men’s basketball tournament sa MOA Arena kahapon.

Binalikat ni reigning MVP Bobby Ray Parks ang opensa ng Bulldogs matapos sagpangin ang 32 puntos at ilista ang ikatlong 30-point game sa season.

Dahil sa panalo ng NU hindi nakalayo ang Green Archers sa pag okupa sa fourth spot.

Tangan ng Bulldogs ang 7-4 win-loss slate habang 7-5 ang karta ng Taft-based La Salle.

Nilipad naman ng defending champion Ateneo Blue Eagles ang ika-14 na sunod na taong pagsampa nito sa Final Four matapos dagitin ang ika-10 panalo sa 12 laro.

Tinalo ng Blue Eagles ang mahinang Adamson U Falcons, 79-72 upang makasigurong lalaro sa semifinals.

Samantala, ang ibang teams na may tsansa sa F4 ay ang University of Sto. Tomas Growling Tigers at last year’s runner up Far Eastern University Tamaraws.

Nasa pangalawang puwesto ang Tigers sagpang ang 9-3 baraha habang 8-3 ang karta ng Tamaraws.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply