Bullet train hindi pa uubra sa Pinas – PNR

AMINADO si Philippine National Railways (PNR) spokesman Paul De Quiros na matatagalan pa bago magkaroon ng bullet train ang Pilipinas.

Ipinaliwanag ni De Quiros na bukod sa malaking pondo ang kinakailangan para dito, kailangan ding palitan maging ang riles.

Ayon kay De Quiros, sa kasalukuyan ay kinailangan nilang bagalan ang takbo ng mga tren, lalo na sa intersections dahil  may ilang motorista na nakikipagkarerahan pa sa tren

Magugunita na naantala na naman ang biyahe ng PNR commuter trains bunsod ng pagbaha sa ilang bahagi ng riles.

Base sa isinagawang pahayag ni Paul De Quiros, tagapagsalita ng PNR, hindi madaanan ang Magsaysay Avenue crossing malapit sa  Sta. Mesa, Maynila sa pag-aalalang lumubog ang gulong sa riles ng tren.

Dahil dito, naantala rin ang biyahe ng PNR mula Alabang patungo sa Tutuban dahil din sa baha sa riles.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang bumalik ang operasyon ng PNR makaraang humupa rin ang baha sa Magsaysay Ave. at España crossing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply