Bully teachers

SINASABING kakaunti lamang ang mga teacher na ubod nang pagkawalanghiya. Mas marami ang may modo, may edukasyon at hindi bastos. Hindi sila rapist, hindi sila pedophile, hindi sila mapang-api, hindi sila sadista.

Kakaunti nga lang ang mga titser na nagpapakain ng papel sa mga pupil at student. Kakaunti lang ang nanakit, nambabato ng eraser at stapler, nangongotong sa mga mag-aaral, nanghihipo, nambubuntis.

Kakaunti nga sila pero sila ang naghaharing uri sa loob ng ating mga paaralan. At iyan ang malaki nating problema.

Noong isang araw ay namangha na lamang tayo na nangyari ito maski na sa isang exclusive school. Hiniya ng titser ang estudyante. Tinakot. Pinagbunutan pa ng baril. Lintik na trauma ang inabot ng bata.

Ano ang sabi ng principal sa buwisit na teacher? “Hindi na dapat itong maulit. Kung mauulit pa, ako na mismo ang makakalaban ng titser na ito” Ano, ganoon lang?

Naalala ko tuloy ang kaso ng isang pari, priest po, mga pare ko, na nambuntis ng estudyante. Ano ang ginawa ng obispo? Inilipat ang pari sa ibang parokya at doon na nagtapos ang imbestigasyon.

May panukalang batas laban sa mga bully student, batas na bordering on stupidity. Dapat lang na magkaroon din ng batas laban sa mga bullying teacher and professor. Hindi lamang physical harm ang ginagawa ng mga tiwaling titser na ito. Mga mandaraya pa sila. Binabago nila ang grado ng mga estudyanteng hindi nila type, ibinabagsak o pinalalayas sa paaralan.

Ang mga titser ding ito ang mga nandaraya sa campus election, nagdadagdag-bawas para paboran ang kanilang favorites.

Napakarami ring mga terrorist-teacher na naglipana sa ating mga paaralan, publiko man o pribado. Lahat ng mga teacher at propesor na ito ay dapat na isailalim sa psychiatric test.

At tanggalin na sa teaching profession. Sila ang mga bad eggs. Kakaunti lamang sila, maaaring 45 percent lamang, pero katulad nang sinabi ko, sila ang bosing, sila ang hari.

At ang 55%  na matitino, may malaki rin kayong kasalanan. Kayo’y mga takot sa 45 percent at takot magreklamo. Hindi tamang edukasyon yan. Ipaglaban natin ang matuwid na daan at ikulong ang mga baluktot na mga titser.

Marami nang nasirang future ang mga teacher na iyan pero sila pa ang most outstanding sa mga contest kahit na ang mga gurong ito ay sipsip, bobo at walang modo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply