Bumubuhos na ulan

ALAS 2:00 hanggang alas 5:00 ng madaling-araw kamakalawa ang nagisnan nating malakas at walang puknat na pagbuhos ng ulan

sa Metro Manila.

Pagbukang liwayway, nagtanong-tanong tayo sa ating mga kakilala kung saan pa bumuhos ang ulan.

Ang Bulacan at Rizal ay inulan din pala.

Siyempre may iba pang mga lugar na inulan at ang halos buong Luzon ay inulan din dahil sa nakaraang superbagyo na humatak ng habagat.

Ulang habagat at ulan mula sa bagyo ang tumira sa atin.

oOo

Habang pumapatak ang ulan, unti-unting nagkakaroon ng mga anunsyo ukol sa pagsasara ng mga eskuwelahan, lalo na sa Metro Manila.

Halos lahat ay nagsara dahil sa katakot-takot na baha na nilikha ng buhos ng ulan.

Mahalaga ang anunsyo lalo’t eksam wik nitong nakaraang linggo na nagkaroon ng ekstensyon sa Sabado.

Parang nasyonal ang lawak ng pagkakaroon ng eksam ng mga bata sa mga elementarya at hayskul.

At dahil sa pangyayari, napospon na ang mga eksam  sa mga araw na ito.

Bagama’t araw ng Sabado ang matinding pag-ulan at bagyo, milyon katao ang naperhuwisyo, lalo na ang mga kabataang mag-aaral.

oOo

Hindi na biro-biro ang mga nagaganap na pagbaha, Suki. Ang dami nang napiperhuwisyo.

Sa bawat hindi pagpasok sa iskul at trabaho ng milyon-milyong mamamayan dahil sa baha, malaking kabawasan ito sa benepisyo sa mga kabataan mag-aaral at serbisyo at produksyon mula sa mga empleyado at obrero.

Maging ang pamahalaan ay nababaling sa baha at hindi na basta makapagkonsentreyt sa iba pang pablik serbis na kailangan ng mamamayan.

Panahon nang pag-aralan nang husto ng mga kinauukulan ang mga bahaing lugar.

At buhusan ng sapat na pondo ang mga anti-flood control dito nang walang pandarambong.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply