Bureau of Immigration nakaalerto ngayon

NASA heightened alert ngayon ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan at ibang port of entry sa bansa dahil sa nalalapit na anibersaryo ng September 11 terrorist attack sa Estados Unidos.

Inatasan na rin ni BI Commissioner Ricardo David Jr., ang kanilang mga tauhan na higpitan ang  pagsuri ng mga profile ng mga pasahero lalo na sa mga suspected foreign terrorist sa mga paliparan at pantalan sa bansa.

Anang opisyal, sakaling may dayuhang pasahero na “inadmissible o undesirable” ay agad itong i-book ng biyahe pabalik ng bansang pinanggalingan.

Ani David, ito ay upang matiyak ang seguridad sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply