Bus na-shoot sa bangin: 30 sugatan

SUGATAN ang 30 katao nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Bondoc, Peninsula Highway, General Luna, Quezon province, kahapon.

Sa ulat sa radyo, papunta sana sa bayan ng Catanauan ang RR Bus Line na dala-dala ni Ricardo Minggay.

Habang tinatahak ang bahagi ng highway ay nawalan ng kontrol ang drayber at nahulog ang bus sa may 10-talampakang bangin.

Agad namang naisugod ang mga nasugatan sa Bondoc Peninsula District Hospital.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang bus driver na napag-alamang walang lisensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply