Businesswoman arestado sa shabu sa GenSan

ARESTADO ang isang negosyateng babae makaraang mahulihan ng isang gramo ng shabu ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa isang bus station sa General Santos City  noong September 8, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling si Alejandra Sarrosa, 35, negosyante, residente ng 4th Road, Calumpang, General Santos City.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang elemento ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) sa pamumuno ni Director Aileen Lovitos hinggil sa shabu na nakalagay sa maliit  na brown envelope na ide-deliver  umano galing Cotabato City patungong GenSan .

Dahil dito, agad ginalugad ng grupo ang lugar hanggang sa mamataan nila ang suspek bitbit ang sinasabing envelope na naglalaman ng shabu sa loob ng Bulaong Bus Station, General Santos City.

Bukod sa shabu nakuha rin kay Sarrosa ang maraming  bank documents, ATM cards,  passbook, at ibat-ibang resibo sa  banko.

Ayon kay Gutierrez, ginagamit ngayon ng mga lokal na  drug dealers ang buses  sa pagde-deliver ng maliliit na halaga ng iligal na droga dahil bukod sa nakakamura ay mas hindi punahin sa sasakyan ang pagdadala ng maliliit na bagay.

Pansamantalang nasa kustodiya  na ng PDEA RO12 si Sarrosa . habang nahaharap ito sa kasong paglabag sa  Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply