Buy-bust sa Pangasinan nauwi sa barilan, 1 tiklo

NASAKOTE ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency kamakalawa ang isa sa dalawang hinihinalang tulak ng shabu na humantong pa sa barilan bago nasamsam ang may 25 gramo ng shabu sa inilunsad na buy-bust operation sa Pangasinan.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., nagsagawa ng buy-bust operation ang mga ahente ng  PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) sa pamumuno ni  Director Roybel Sanchez laban sa hinihinalang mga tulak na kinilalang sina Jamael Dimaraut at Camar Dirampatuin, 29 anyos, vendor sa Barangay Quinaoayanan, Bani, Pangasinan.

Nasakote sa nasabing operasyon si Dirampatuin ngunit nakatakas ni Dimaraut, matapos siyang makipagbarilan sa mga PDEA agents.

Tumagal ng halos10 minuto ang putukan bago nakumpiska ng mga awtoridad ang may 25 gramo ng  methamphetamine hydrochloride, o shabu, isang motorsiklo na ginagamit sa operasyon ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply